Art Day
Pero ngayon, okay nako at nakakakain na rin ako ng maayos. *yey!*
Sa totoo lang bihirang-bihira lang ako magkasakit. Kaya nga minsan, ipinagdarasal ko pa na sana lagnatin nman ako kapag school days *LOL* para may valid reason nman akong umabsent kahit minsan! Pero ewan ko ba at kung bakit sa dinami-rami naman ng araw at panahon, e weekend pa napiling sumugod ng virus na'to saken! LOL.
Heto ang mga pinagka-abalahan ko sa loob ng 3 araw na nakakulong lang ako sa kwarto buong maghapon.
(friday) - naisip ko na kailangan ko ng magtipid, kaya nilikha ko si Ms. Betty. kailangan ko siyang gawing kakaiba para manghinayang akong buksan at sirain khit d pa siya puno. made from an old canister, paste 'em with colorful construction papers. voila! my instant coin bank nako!
(saturday) - since makalat na nman sa kwarto ko (coz of ms. betty) nilubos ko na. Humanap ako ng mga hindi ko na pinapakinabangang bagay - like this old pouch - ni-recicle ko ang aking lumang pouch at binurdahan ko ng mga kung anu-anong makukulay na bagay na nakita kong nakakalat sa tabi-tabi. at eto na ang kinalabasan:
(sunday) - nag recycle nman ako ng old notebooks. Kinuha ko mga hindi pa gamit na pages at pinagsama-sama ko. Kumuha ko ng pambalot galing sa lumang magazine. At yan, new look na! Sa loob ng notebook may mga small pockets na lalagyanan ng quotes and cards from friends ang nakabigay jan.
Oh di ba? Kaya mabuti ring mamirmi ka sa bahay paminsan-minsan eh. Kahit di ako nakasama sa gimik ng tropa.. this way - at least, im being more productive :)
Labels: Art