Wednesday, January 21, 2009

wudzup?


hey'all... sorry i haven't been updating here..been kind of busy and sidetracked but all is going well now (i guess), tehe! ;)

Anyway!! what's up with me??

My birthday is comming up (Feb.10)!! so im making a birthday wish list.. haha! comming very soon :) PLUS i have a photoblog. inspired by Project 365. I dunno whats got into me starting a photoblog but i will update there moreoften.. i promise! :D


click the picture above to view my Project 365.
see yah there! mwuah mwuah! ♥

Labels:

Thursday, January 1, 2009

Welcome 2009

Happy New Year!


Magiging happy pa nga ba ang new year ko
ngayong wala kana??? :(




Labels: ,

Wednesday, November 12, 2008

Super late post: My Unforgetable Sembreak!

ISANG BUWAN. isang buwan din akong nawala.

Bwiset kasing PC na'to kung kelan nag-sem break at libreng libre nakong mag-internet wantusawa, eh dun pa natripang kapitan ng virus. *sigh*

Ngayon (for the second time) promise maayos na ang lahat - sana - hehehe!

ANG DAMI kong gustong ikwento, mga nangyari saken nung sembreak kaso feeling ko wala ng kwenta kung ngayon ko pa sasabihin yung mga yun dahil hindi ko narin feel, ilang araw narin ang nakalipas at nagsimula narin ang klase namin.

May isa lang talaga akong gustong ishare senyo, (pagpasensyahan nyo na kung super late) nangyari to noong Nov. 2, 2008. Memorable lang to saken kasi first time ko! :)

Mag ka-text kami ni Nikka nung tanghali, nang ma-realize ko - hindi pa nga pala ako napupunta sa bahay nila EVER SINCE! ... Nikka is a very good friend of mine. Kilala at magkaibigan na kami mula pa kindergarten at hanggang ngayon magkaibigan pa rin kami, itinuturing ko na rin siyang isa sa mga best friends ko. 13 years ko na syang friend! - at ngayon ko lang naisip na hindi pa nga pala ako napupunta sa bahay nila! WTF? Anong klase akong kaibigan??? LOL.

So nung araw na iyon, tinanong ko kagad sya kung paano papunta sa bahay nila, kung anu sasakyan, kung anu sasabihin sa driver, at kung magkanu pamasahe. LOL.

Gusto ko talaga siyang mapuntahan dahil kinabukasan nung araw na yun - may pasok nako at malapit narin siyang lumuwas.

ITS NOW OR NEVER - yun talaga nasa isip ko.

So impake nako kagad ng damit, kasi hapon na yun at ayokong gabihin sa daan.

You see, ang bahay kasi nila ay nasa tuktok ng bundok. Hindi ko mawari at hindi rin nya maunawaan kung bakit sa dinami-rami ng lugar na matitirahan eh doon pa naisipang magpatayo ng bahay ng mga magulang nya.

(4:00pm) Nakahanda nako. This is it. Maligaw na kung maligaw!

At kahit ayaw akong samahan ni Heizel, at kahit todo-pigil saken si Tom na wag ng tumuloy at huwag magpadalos-dalos dahil malayo un - hindi ako makikinig - ITS NOW OR NEVER! anung klase akong kaibigan kung hindi ko pa napupuntahan ang bahay ng best friend ko na kaibigan ko mahigit isang dekada na? hah?!

So ayun... tumuloy ako :)

Sumakay ako ng jeep papuntang Balanga ( half hour), bumaba ako sa terminal at sumakay ulit ako ng jeep papuntang Banas.

Malayo ang byahe! mahigit 2 oras rin akong nakaupo sa jeep. Pakonti na ng pakonti ang mga taong nakasakay, talaga palang sa tuktok ng bundok sila nakatira *hindi makapaniwala*.

Ang ganda don! yung mga puno at halaman sa daan (sayang wala akong dalang cam nun). Ang tatarik din ng mga bangin tapos ang kikipot pa ng kalsada.. hahaha.. kinakabahan ako at nakakapit talaga ako nun sa jeep.. tapos pataas pa yung daan, kakalula! Amf! Ngayon ko lang yun naranasan, ako lang mag-isa, first time ko sa lugar na yun, at hindi ko pa alam ang eksaktong lugar ng bahay nila - tapos naubusan pako ng load! at nag didilim narin.

Nagtanong-tanong nalang ako sa mga tao sa jeep kung saan yun at wala pang kisapmata. Nakatayo na pala ako sa harap ng bahay nila! :))



Pag dating ko dun, kain muna kami tapos kwentuhan at tawanan..


..at xempre, hindi ko inawat ang sarili kong mag-basa ng mga namissed kong episodes ng WITCH.



..at xempre hindi rin mawawala ang kodakan.




mejo umambon pa siya ng konti pero ayus lang...
feeling ko nasa Baguio ako, ang kapal kaagad ng pog!



kain ulit bago umuwi :)



halamanan nila :)




Nag-aabang ng jeep.
Pauwi nako nito dahil may pasok nako kinabukasan.
tska ayoko ring gabihin sa daan :P


Hay.. Sana mas dati ko pa naisip na pumunta dito.. para nakapag-spend pa sana ako ng mas malaking time with Nikka. To her mom, tita Lourdes, salamat po sa isang araw na pag-alaga sakin. To Nikko, salamat sa picture-picture. To Nikka, salamat din sa pag-papatuloy sakin, nag enjoy talaga ako... sa uulitin! :P

..at dito nag tapos ang aking sem break ♥

Labels: ,

Sunday, September 21, 2008

Im sick.

I address you from a bed of pain. For two days I've been laid up with cold and tonsillitis, I can swallow hot milk! gawd! hows that naman? kahit saging d ko malunok!

Anyway, this is going to be extremely short because my shoulder aches. Assignments & projects all day, typing reports all evening makes too much writing. Parang mamamatay nako *sign of a cross* wag nman sana! XD

I trust the good Lord will reward me suitably for my hard work.. nga pla, nakakuha ko ng 94 sa Mgmt subj ko this midterm! 87 sa philo., 90 sa Natsci, 92 sa comp., (yung iba d ko pa alam) not bad huh? yeah.. i deserve ten thousand years out of purgatory :P GTG.

Labels:

Monday, September 1, 2008

Ang Monster. bow.


"A dream is a wish your heart makes" kanta ni Cinderella nung napanaginipan niya prince charming niya.. eh putek panu mo maipapaliwanag ang napanaginip ko kaninang hinahabol ako ng isang Giant Cyclopes at gusto akong papakin at lapain? Wag mong sabihng iyon ang matagal ng tinitibok ng puso ko? at wag mo ring sabihing iyon ang magiging prince charming ko?

DATI matagal ko ng gustong makakita ng munsterr.. pero yung gusto ko kulor fenk and purple, may ribbon siya sa fez, katamtaman lang ang laki.. at sempre yung marunong naman magtutbrush!

Pero dati iyon nung mga 10yrs old ako, kung saan tapang tapangan pako.. sabi nga nila kung kelan ka daw lumaki dun ka pa naging mas matatakutin! LOL.

Naalala ko kasi nung bata pako.. tuwing pumupunta ko kila lola ko, may isa akong kalaro na batang babae na mas bata saken ng dalawang taon, tuwing dinadalaw ko siya, sinasama niya ako sa kubo nila sa likod. Ang kubo na yun eh maliit lang, may mga sitaw na nakalawit sa kisame, may mga halamang tuyo sa loob, may isang bintana at maliit na papag sa gitna, madilim kasi maraming puno kaya natatakpan yung sikat ng araw.. kinda creepy pero bata pako nun, hindi ko pa alam ang salitang "creepy".. and everytime kami naglalaro doon, lagi nalang siyang may sariling mundo at nagsasalita nalang siya mag isa, kala ko ganun lang talaga siya, may imaginary friend kumbaga o kaya high lang talaga imagination niya kaya pati upuan at bato eh kinakausap niya. Nung minsang inaya niya ulit ako, ganun pa rin, hindi niya talaga ako pinapansin, basta salita lang siya ng salita dun. Ako ang inaya niyang maglaro pero parang hindi lang ako yung kalaro niya. Tinanong ko yung papa niya kung bakit siya ganun at nagulat nlang ako sa singot niya.. may kaibigan pala silang pulang duwende!! Family friend kumbaga.. O_O

..mula nun, HINDI nako sumama sa kanya sa kubo na yun! Kung maglalaro man kami, sa labas nalang ng bahay o kaya sa amin.. kakatakot kaya!!

At doon nagsimula ang pagiging matakutin ko sa gabi, dun nako nagsimulang mag imagine ng kung anu-anong nakakatakot: baka may duwendeng nakasilip sa bintana ng kwarto ko, baka may duwende sa ilalim ng mesa, baka may duwende nakong katabi sa kama.. Ü

Labels: , ,

Friday, July 25, 2008

Sigh

Nakakapagod na araw.. *heavy-eyed*

Sa totoo lang, wala naman akong masyado ginawa ngayong araw kundi pumasok ng huli sa school, kumain sa 2-hour vacant time ko, umupo sa bench malapit sa lobby ng school kung saan pwede kang manuod ng TV., ubusin ang natitirang libreng oras sa internet room, magpalamig sa 'munting gubat' at umidlip sa library. Tapos dinismis pa yung klase ng maaga kasi may misa sa school ng 6.30pm.

So bakit nga ba ako latang-lata? Eh puros wala namang kwenta mga pinag gagagawa ko ngayong maghapon!

Pero kung iisipin mo, normal lang 'to -- prelim exam kasi namin nitong mga nakaraang araw. Ibig sabihin 5 days na akong puyat at walang tulog! At ngayong biyernes na, tapos na ang klase at puwede ng magpahinga at matulog wantusawa.. ngayon sumingaw ang lahat ng pagod na hindi ko namalayan sa loob ng mga nakalipas na limang araw!

Kung makikita niyo lang siguro ang itsura ko ngayon, hindi siguro kayo mag aatubiling mag-alok saken ng kapirasong stress tab.. but for the sake of blogging and the chismax and for you guys.. im still here typing regardless of the drowsiness and tiredness :)

Nothing important happened today but ill report you some of the things happened worth noticing and here are those:

♥ Papasok nako ng school nun kanina (late nako nun actually), nang marinig ko si mamang driver at si mamang driver II na naguusap tungkol sa gagawin nilang strike sa Lunes sabay sa SONA ni PGMA, tungkol sa pagtaas ng gasolina. Lunes yun.. so ibig sabihin wala kaming pasok!!! Hindi ko alam kung goodnews ba yun o badnews -- at wag niyo na akong subukang tanungin tungkol dun dahil alam niyo na kung anu ang isasagot ko :P

♥ Umattend ako ng mass kanina, at nagustuhan ko ang sermon ni father about today's gospel. Its about a woman asking for Jesus her two sons to sit with Him, one at the right, and the other at the left in God's kingdom. But Jesus replied: "You do not know what you are asking. Can you drink the cup that I am going to drink? " ..." My cup you will indeed drink, but to sit at my right and at my left (, this) is not mine to give but is for those for whom it has been prepared by my Father." Two values learned: Carry your own cross with God. Kung gusto mong maging dakila maglingkod ka.

♥ Nakasagap ako ng chismis na may namumuo palang away between my two ex-classmates :P

♥ First time kong makatikim ng calamares!! haha.. thanks to Mhe, Rona, Analyn - tao nako!

Thats all... kailangan ko na talagang matulog.. naaawa na ako sa sarili ko. HAHA!
Goodnight guys. Happy weekend :)

Labels:

Saturday, July 12, 2008

Friday

Yay!!! Its Friday!!! :)

Tanungin moko - “bakit masaya ka pag Friday?” at ibabalik ko rin sayo ang tanong - “at bakit naman hindi?”

Wag sanang magtampo si lunes, martes, miyerkules, hwebes, sabado at linggo.. pero mas malakas lang talaga sakin ang sipsip ni biyernes :)

There are three reasons kung bakit gusto ko ang friday. UNA, yes!-makakapagpahinga-narin-ako-sa-wakas reason; PANGALAWA, yes!-makakapagpuyat-narin-ako-sa-wakas reason; at PANGATLO, yes!-makikita-ko-narin-si-Tom reason. Ung dalawang nauna, alam kong understood na sa inyo yun at kayo man mismo ay nakakarelate doon kahit papaano. So wala ng kailangan iexplain doon! Yung pangatlo, weekends lang kasi kami nagkikita at nagkakasama ni bf kaya masisisi niyo ba ako kung sobrang saya ko ngayon?

So paano ba yan happy-happy na tayo after class? We will going to Bambi’s crib later to have some beer-and-skittles.. Kayo anu plano niyo? Sulitin lang natin ang kagandahan ng buhay! :)

Let us thank God its Friday! *giggling*

Labels: