Friday, July 25, 2008

Sigh

Nakakapagod na araw.. *heavy-eyed*

Sa totoo lang, wala naman akong masyado ginawa ngayong araw kundi pumasok ng huli sa school, kumain sa 2-hour vacant time ko, umupo sa bench malapit sa lobby ng school kung saan pwede kang manuod ng TV., ubusin ang natitirang libreng oras sa internet room, magpalamig sa 'munting gubat' at umidlip sa library. Tapos dinismis pa yung klase ng maaga kasi may misa sa school ng 6.30pm.

So bakit nga ba ako latang-lata? Eh puros wala namang kwenta mga pinag gagagawa ko ngayong maghapon!

Pero kung iisipin mo, normal lang 'to -- prelim exam kasi namin nitong mga nakaraang araw. Ibig sabihin 5 days na akong puyat at walang tulog! At ngayong biyernes na, tapos na ang klase at puwede ng magpahinga at matulog wantusawa.. ngayon sumingaw ang lahat ng pagod na hindi ko namalayan sa loob ng mga nakalipas na limang araw!

Kung makikita niyo lang siguro ang itsura ko ngayon, hindi siguro kayo mag aatubiling mag-alok saken ng kapirasong stress tab.. but for the sake of blogging and the chismax and for you guys.. im still here typing regardless of the drowsiness and tiredness :)

Nothing important happened today but ill report you some of the things happened worth noticing and here are those:

♥ Papasok nako ng school nun kanina (late nako nun actually), nang marinig ko si mamang driver at si mamang driver II na naguusap tungkol sa gagawin nilang strike sa Lunes sabay sa SONA ni PGMA, tungkol sa pagtaas ng gasolina. Lunes yun.. so ibig sabihin wala kaming pasok!!! Hindi ko alam kung goodnews ba yun o badnews -- at wag niyo na akong subukang tanungin tungkol dun dahil alam niyo na kung anu ang isasagot ko :P

♥ Umattend ako ng mass kanina, at nagustuhan ko ang sermon ni father about today's gospel. Its about a woman asking for Jesus her two sons to sit with Him, one at the right, and the other at the left in God's kingdom. But Jesus replied: "You do not know what you are asking. Can you drink the cup that I am going to drink? " ..." My cup you will indeed drink, but to sit at my right and at my left (, this) is not mine to give but is for those for whom it has been prepared by my Father." Two values learned: Carry your own cross with God. Kung gusto mong maging dakila maglingkod ka.

♥ Nakasagap ako ng chismis na may namumuo palang away between my two ex-classmates :P

♥ First time kong makatikim ng calamares!! haha.. thanks to Mhe, Rona, Analyn - tao nako!

Thats all... kailangan ko na talagang matulog.. naaawa na ako sa sarili ko. HAHA!
Goodnight guys. Happy weekend :)

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home