Grabe Na Ito
Paano ba naman kanina laking gulat ko, magbabayad na sana ako ng pamasahe papuntang eskwelahan ng biglang pinangunahan ako at itinuro saken kagad ni mamang driver ang isang kupas na papel sa may ulunan niya.. akala ko kung anu lang yun pero nung binasa ko.. iyon pala, notice to the public na nagtaas na naman ang pamasahe! Dating 13 piso ko (estudyante), 14KM papuntang school ngayon ay 16 piso na!!
Nagtaas na dati ng pamasahe na PISO last month.. medyo sanay na ako doon dahil tuwing magbubukas naman talaga ang school year eh nag dadagdag sila ng piso, “kinaugalian” na rin atang magtaas ang pamasahe tuwing pasukan :( Pero ngayon, grabe na! 3 linggo’t mahigit pa lang at hindi pa nagsisimulang mangupas ang uniform ko nagtaas NA NAMAN ang pamasahe - ng 3 piso pa!! >_<*
Grabe na ito! Ganito na ba talaga tayo naghihirap? Hindi naman ako makapagreklamo sa mga driver dahil naiintindihan ko ring nagtataas ang krudo sa merkado.. pero sino ang sisisihin ko??
Kawawa naman ang mga magulang ko, kelangan ko na talagang mag todo-budget* (budget na pinag-budget at ngayon pagbubudgetin pa).
*sigh* at isa pang malakiiiiiiiing *sigh!*
Labels: Aware
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home