Wednesday, November 12, 2008

Super late post: My Unforgetable Sembreak!

ISANG BUWAN. isang buwan din akong nawala.

Bwiset kasing PC na'to kung kelan nag-sem break at libreng libre nakong mag-internet wantusawa, eh dun pa natripang kapitan ng virus. *sigh*

Ngayon (for the second time) promise maayos na ang lahat - sana - hehehe!

ANG DAMI kong gustong ikwento, mga nangyari saken nung sembreak kaso feeling ko wala ng kwenta kung ngayon ko pa sasabihin yung mga yun dahil hindi ko narin feel, ilang araw narin ang nakalipas at nagsimula narin ang klase namin.

May isa lang talaga akong gustong ishare senyo, (pagpasensyahan nyo na kung super late) nangyari to noong Nov. 2, 2008. Memorable lang to saken kasi first time ko! :)

Mag ka-text kami ni Nikka nung tanghali, nang ma-realize ko - hindi pa nga pala ako napupunta sa bahay nila EVER SINCE! ... Nikka is a very good friend of mine. Kilala at magkaibigan na kami mula pa kindergarten at hanggang ngayon magkaibigan pa rin kami, itinuturing ko na rin siyang isa sa mga best friends ko. 13 years ko na syang friend! - at ngayon ko lang naisip na hindi pa nga pala ako napupunta sa bahay nila! WTF? Anong klase akong kaibigan??? LOL.

So nung araw na iyon, tinanong ko kagad sya kung paano papunta sa bahay nila, kung anu sasakyan, kung anu sasabihin sa driver, at kung magkanu pamasahe. LOL.

Gusto ko talaga siyang mapuntahan dahil kinabukasan nung araw na yun - may pasok nako at malapit narin siyang lumuwas.

ITS NOW OR NEVER - yun talaga nasa isip ko.

So impake nako kagad ng damit, kasi hapon na yun at ayokong gabihin sa daan.

You see, ang bahay kasi nila ay nasa tuktok ng bundok. Hindi ko mawari at hindi rin nya maunawaan kung bakit sa dinami-rami ng lugar na matitirahan eh doon pa naisipang magpatayo ng bahay ng mga magulang nya.

(4:00pm) Nakahanda nako. This is it. Maligaw na kung maligaw!

At kahit ayaw akong samahan ni Heizel, at kahit todo-pigil saken si Tom na wag ng tumuloy at huwag magpadalos-dalos dahil malayo un - hindi ako makikinig - ITS NOW OR NEVER! anung klase akong kaibigan kung hindi ko pa napupuntahan ang bahay ng best friend ko na kaibigan ko mahigit isang dekada na? hah?!

So ayun... tumuloy ako :)

Sumakay ako ng jeep papuntang Balanga ( half hour), bumaba ako sa terminal at sumakay ulit ako ng jeep papuntang Banas.

Malayo ang byahe! mahigit 2 oras rin akong nakaupo sa jeep. Pakonti na ng pakonti ang mga taong nakasakay, talaga palang sa tuktok ng bundok sila nakatira *hindi makapaniwala*.

Ang ganda don! yung mga puno at halaman sa daan (sayang wala akong dalang cam nun). Ang tatarik din ng mga bangin tapos ang kikipot pa ng kalsada.. hahaha.. kinakabahan ako at nakakapit talaga ako nun sa jeep.. tapos pataas pa yung daan, kakalula! Amf! Ngayon ko lang yun naranasan, ako lang mag-isa, first time ko sa lugar na yun, at hindi ko pa alam ang eksaktong lugar ng bahay nila - tapos naubusan pako ng load! at nag didilim narin.

Nagtanong-tanong nalang ako sa mga tao sa jeep kung saan yun at wala pang kisapmata. Nakatayo na pala ako sa harap ng bahay nila! :))



Pag dating ko dun, kain muna kami tapos kwentuhan at tawanan..


..at xempre, hindi ko inawat ang sarili kong mag-basa ng mga namissed kong episodes ng WITCH.



..at xempre hindi rin mawawala ang kodakan.




mejo umambon pa siya ng konti pero ayus lang...
feeling ko nasa Baguio ako, ang kapal kaagad ng pog!



kain ulit bago umuwi :)



halamanan nila :)




Nag-aabang ng jeep.
Pauwi nako nito dahil may pasok nako kinabukasan.
tska ayoko ring gabihin sa daan :P


Hay.. Sana mas dati ko pa naisip na pumunta dito.. para nakapag-spend pa sana ako ng mas malaking time with Nikka. To her mom, tita Lourdes, salamat po sa isang araw na pag-alaga sakin. To Nikko, salamat sa picture-picture. To Nikka, salamat din sa pag-papatuloy sakin, nag enjoy talaga ako... sa uulitin! :P

..at dito nag tapos ang aking sem break ♥

Labels: ,

Wednesday, September 10, 2008

Hep, Hep, Huraaaah!!!

Mga kalokohan at kakornihan ng tropa ko..hahaha!

Bitin nga lang.. nilaglag kami ng digicam ni zhel, agang nalowbatt!
one of the best day ever.. they really made my night.. i love them so much.
My high school buddies.. walang katulad!
*mwuah*
[ August 23,2008 ]

Labels: ,

Saturday, August 23, 2008

Pag nagkita ang buong barkada

Actually, hindi pa nga kami buo eh.. pero pag nagkita-kita na ang mga tropapits ko nung high school, ay talaga naman! YANIG hanggang sa kabilang kanto ang tawanan at kulian! :D



syempre, mawawala ba nman ang kodakan??

Labels:

Tuesday, July 15, 2008

Friends Forever

No goodbyes and no farewells for you, just a promise that no matter what happens… It will be always be forever. Thanks for the gift of friendship.

A letter from Bambi (Bi) 4 years ago,

01:40-02:01 Pm
21 May 2004

Joan,

Masaya ako dahil simula pagkabata ay naging magkaibigan na tayong dalawa.. pero nalulungkot ako kase magkakalayo na tayo.. alam mo, kahit magkaroon tayo ng sari-sariling tropa nung highschool, eh ikaw pa rin ang no.1 bestfriend ko!! Kayo nila Zhel, Nikka, Jhona!!! Syempre iba pa din kayo.. kahit na di tayo masyado gumigimick!! Di naman nabibili yung saya natin pag magkakasama, yung tawana, lokohan, kagaguhan, kaultukan, tapos yung mga wild imaginations natin.. yung mga salitang bading! salitang kanto at pati narin yung kaartehan at kalantungan natin.. Wala cguro kong makikitang Joan, at katulad nyo sa States!! Mamimiss ko lahat ng mga kabangagan natin.. yung titrip!! Kung san-san tayo pumupunta after klases.. Tapos yung latest, yung pagtakas natin nila Ailen at paghahanap ng bar!! Nakakatuwa nga namang isipin.. wag tayong malungkot! Mangyayari ulit yun!! Mamimiss ko din yun nanuod tayo ng Texas Chainsaw.. puta breath taking! I cant believe that such things really exist! Mamimiss ko din yung pag-s-star gazing natin together!! Yung tipong nakahiga pa sa banig.. Siguro ako titingnan ko pa din ang sky dun, iicpin ko nalang nakatingin ka din dun kasama ko, kahit alam natin na magkaiba ang langit natin!! Mamimiss ko din ang pagbi-bike natin sa daan pag hating-gabi.. Yung pagtulog naten sa inyo or sa amin! Yung mga open forums natin.. Mga outings!! Mga tripings!! Panonood ng mga battle of the bands!! Sayang, wala ng ganun.. Sana always happy pa din kayo ha!! At higit sa lahat, mamimiss ko yung palitan natin ng secrets and advices, iyakan sharing… lahat!! Joan, thanks for being my friend.. Lam mo na lahat ng yun!! Ikaw hindi ka nagtatanong sakin.. gusto mo ako na mag-open.. pero nahihiya ako! Madami na din akong di na-iopen.. sorry!! Sana sa sulat, maging open na din tayo! Lagi nyo kong sulatan ha!! Sorry sa mga nagawa kong di maganda sayo! Lam ko minsan may samaan tayo ng loob, good thing is hindi tayo nag aaway!! Friends forever!! Im gonna miss you! I love you bestfriend!!! Mwuah!

What ever tomorrow brings Ill be there
with open arms and open eyes,
Bi

Its been 4 years pero sariwa pa din saken ang lahat.. that day.. the cryings and the hugs before she leave with her ate Ivory. Everything was so sad, everyone was waving and bidding their goodbyes, everyone was crying…

At ngayon, for the 2nd time, aalis na naman ulit siya.. nagbalik na naman saken ang nakaraan. Kakalungkot, pero tanggap na namin nila Nikka.. though andun pa din ang sakit, magiging okay rin kami. Kaya namin to! Kaya ko to!! Tutal kahit umalis siya nun hindi naman nabawasan ang closeness at pagkakaibigan namen at lalo lang ito tumibay (thanks to YM and Friendster), parang andiyan lang siya sa tabi at tinatamad lang lumabas ng bahay.

Bambi, you will always be my bestfriend! kayo nila Nikka and Zhel! Im gonna miss you - sobra!!! Don’t cry, we will see each other again.. Kung nalulungkot ka dyan ”buzz” ka lang saken.. im always be here for you just like the old times.. those days na sisilip ka lang ng biglaan sa bintana ko sa kwarto kung may kailangan ka.. those moments na sisigaw ka lang ng “meow” at lalabas nako kagad.

Ang magkaibigang tunay, kahit saan man mapadpad ang isa ay magkaibigan pa rin sa puso at kaluluwa.

No more goodbyes.. Just see you soon.. mwuah! ♥

Labels:

Monday, July 7, 2008

Sunday Morning, Rain is falling

I have two days off from school and so far Its been really boring, thanks to the not so pleasant weather we’ve been having. I don’t mind the rain, I love rainy days, It’s the feeling of restlessness that’s annoying me. LOL. Sa totoo lang, dapat nagsasaya nga ako ngayon kasi weekend, and yet its Sunday and here I am bored.

Its nice having a few days off, so I shouldn’t really complain - at least I get stuff done like taking care of this blog, reading, cleaning, watching movies and animés Ive been meaning to watch.. kung umaaraw pa nga siguro at sobrang init, palagi lang siguro ako nakahiga at nakahilata dito sa bahay buong maghapon, so this way - at least - Im being more productive. haha. (lol)

This past few days was quite nice. Kahapon, pumunta dito si Tom (yeah bati na kami), nag sleepover kami with Heizel kila Bambi..it was FUN! Nagfoodtrip lang at nanuod kami ng movie till dawn, natulog kami 4.30 na ng umaga at nagising ako ng 12 na ng tanghali. You know, sarap kasi matulog pag ganto ang panahon *hehe*.. Ngayon, heto ako at kagigising lang, umuwi kasi ako kagabi mga 3 na ng umaga *hehe* galing ulit kami kila Bambi, kwentuhang lang at kulitan. Sinusulit ang bawat sandaling andito pa siya sa Pinas. We will miss her again. Aalis na ulit siya nextweek.. and bilis nman.. Im going to miss her. Im going to miss my bestfriend again. Matagal na nman kaming hindi magkikita at magkakasama.

Sad. But you know what? Its okay. Im okay. We’re still bestfriends kahit sa YM at webcam nlang kami nagkakausap at nagkikita. Magkalayo man kami pero magkadikit na mga bituka namin (lol) and after all, were still under the same big sky. Ang kaibahan lang… doon umaaraw, dito umuulan.

Let’s hope for some sun tomorrow! Enjoy the weekend everyone. ♥

Labels: