ISANG BUWAN.
isang buwan din akong nawala.
Bwiset kasing PC na'to kung kelan nag-sem break at
libreng libre nakong mag-internet wantusawa, eh dun pa natripang kapitan ng
virus. *sigh*
Ngayon (for the second time) promise maayos na ang lahat - sana - hehehe!
ANG DAMI kong gustong ikwento, mga nangyari saken nung sembreak kaso feeling ko
wala ng kwenta kung ngayon ko pa sasabihin yung mga yun dahil hindi ko narin feel, ilang araw narin ang nakalipas at nagsimula narin ang klase namin.
May isa lang talaga akong gustong ishare senyo, (pagpasensyahan nyo na kung super late) nangyari to noong
Nov. 2, 2008. Memorable lang to saken kasi
first time ko! :)
Mag ka-text kami ni
Nikka nung tanghali, nang ma-realize ko - hindi pa nga pala ako napupunta sa
bahay nila EVER SINCE! ... Nikka is a very good friend of mine. Kilala at magkaibigan na kami mula pa kindergarten at hanggang ngayon magkaibigan pa rin kami, itinuturing ko na rin siyang isa sa mga
best friends ko. 13 years ko na syang friend! - at ngayon ko lang naisip na hindi pa nga pala ako napupunta sa bahay nila! WTF? Anong klase akong kaibigan??? LOL.
So nung araw na iyon, tinanong ko kagad sya kung
paano papunta sa bahay nila, kung anu sasakyan, kung anu sasabihin sa driver, at kung magkanu pamasahe. LOL.
Gusto ko talaga siyang mapuntahan dahil kinabukasan nung araw na yun - may pasok nako at malapit narin siyang lumuwas.
ITS NOW OR NEVER - yun talaga nasa isip ko.
So impake nako kagad ng damit, kasi hapon na yun at ayokong gabihin sa daan.
You see, ang bahay kasi nila ay nasa
tuktok ng bundok. Hindi ko mawari at hindi rin nya maunawaan kung bakit sa dinami-rami ng lugar na matitirahan eh doon pa naisipang magpatayo ng bahay ng mga magulang nya.
(4:00pm) Nakahanda nako. This is it.
Maligaw na kung maligaw!
At kahit
ayaw akong samahan ni Heizel, at kahit todo-pigil saken si Tom na wag ng tumuloy at huwag magpadalos-dalos dahil malayo un -
hindi ako makikinig - ITS NOW OR NEVER! anung klase akong kaibigan kung
hindi ko pa napupuntahan ang bahay ng best friend ko na kaibigan ko mahigit
isang dekada na? hah?!
So ayun... tumuloy ako :)
Sumakay ako ng jeep papuntang Balanga ( half hour), bumaba ako sa terminal at sumakay ulit ako ng jeep papuntang Banas.
Malayo ang byahe!
mahigit 2 oras rin akong nakaupo sa jeep. Pakonti na ng pakonti ang mga taong nakasakay, talaga palang sa tuktok ng bundok sila nakatira *hindi makapaniwala*.
Ang
ganda don! yung mga puno at halaman sa daan (sayang wala akong dalang cam nun). Ang tatarik din ng mga
bangin tapos ang kikipot pa ng kalsada.. hahaha.. kinakabahan ako at nakakapit talaga ako nun sa jeep.. tapos pataas pa yung daan,
kakalula! Amf! Ngayon ko lang yun naranasan, ako lang mag-isa, first time ko sa lugar na yun, at hindi ko pa alam ang eksaktong lugar ng bahay nila - tapos naubusan pako ng load! at nag didilim narin.
Nagtanong-tanong nalang ako sa mga tao sa jeep kung saan yun at wala pang kisapmata. Nakatayo na pala ako sa
harap ng bahay nila! :))
Pag dating ko dun, kain muna kami tapos kwentuhan at tawanan..
..at xempre, hindi ko inawat ang sarili kong mag-basa ng mga namissed kong episodes ng WITCH.
..at xempre hindi rin mawawala ang kodakan.
mejo umambon pa siya ng konti pero ayus lang...
feeling ko nasa Baguio ako, ang kapal kaagad ng pog!
kain ulit bago umuwi :)
halamanan nila :)
Nag-aabang ng jeep.
Pauwi nako nito dahil may pasok nako kinabukasan.
tska ayoko ring gabihin sa daan :P
Hay.. Sana mas
dati ko pa naisip na pumunta dito.. para nakapag-spend pa sana ako ng mas malaking time with Nikka. To her mom, tita Lourdes,
salamat po sa isang araw na pag-alaga sakin. To Nikko, salamat sa picture-picture. To Nikka, salamat din sa pag-papatuloy sakin, nag enjoy talaga ako...
sa uulitin! :P
..at dito nag tapos ang aking sem break ♥
Labels: Friends, MyLife